Wednesday, August 3, 2011

Kapayapaan, nasaan?

  


    Nasaan nga ba ang kapayapaan? Ano nga ba ang kapayapaan? Ang kapayapaan ay hindi makikita kung saan, ito'y isang mithiin. Mithiin na dapat isadiwa ng bawat isa.  Ang kapayapaan ay ako, ikaw at tayo. Saan nga ba dapat nagsisimula ang kapayapaan? Hindi ba't sa atin din? Kaya't tayong lahat ay ang susi sa pagkamit ng kapayapaan na ating inaasam-asam.

    Kung ang bawat isa ay marunong mang-unawa, rumespeto at magmahal tiyak ang ating mithiin ay lubos nating makakamit.  Unawain ang pagkakaiba natin, mula sa relihiyon, tradisyon, at kultura. Pagkakatandaan tayo ay iisa, ginawa ng Maykapal na pantay-pantay walang nakakalamang walang mas nakakababa.Matutong gumalang hindi lamang sa mga nakakatanda kundi sa buong taong iyong nakakasalamuha. Galangin ang bawat opinyon dahil ang bawat tao sa mundo ay may karapatang ibigay ang kanikanilang pananaw sa buhay. Sa pagmamahal, nararapat na mahalin muna natin ang ating mga sarili sa gano'y maipapadama rin natin sa iba ang pagmamahal na nagagawad din natin sa ating mga sarili. 

   Tayong lahat ay may kakayahan humusga, magwala, at manggulo ngunit sana’y isaisip muna natin ang bawat kilos na ating ginagawa. Hindi lamang para sa kapakanan ng ating mga sarili kundi sa kapakanan din ng iba. Sa pagiging sakim ng isang tao nagsisimula ang kaguluhan at awayan ngunit may panahon pa upang magbago. Mahalin ang sarili at huwag maging sakim tiyak kapayapaan para sa lahat ang makamamit.

1 comment:

  1. PokerStars - Gaming & Slots at Aprcasino
    Join the fun at apr casino Aprcasino and play the best of the best PokerStars casino games including kadangpintar Slots, Blackjack, filmfileeurope.com Roulette, jancasino Video Poker and more! https://vannienailor4166blog.blogspot.com/

    ReplyDelete