Wednesday, August 3, 2011

Kapayapaan, nasaan?

  


    Nasaan nga ba ang kapayapaan? Ano nga ba ang kapayapaan? Ang kapayapaan ay hindi makikita kung saan, ito'y isang mithiin. Mithiin na dapat isadiwa ng bawat isa.  Ang kapayapaan ay ako, ikaw at tayo. Saan nga ba dapat nagsisimula ang kapayapaan? Hindi ba't sa atin din? Kaya't tayong lahat ay ang susi sa pagkamit ng kapayapaan na ating inaasam-asam.

    Kung ang bawat isa ay marunong mang-unawa, rumespeto at magmahal tiyak ang ating mithiin ay lubos nating makakamit.  Unawain ang pagkakaiba natin, mula sa relihiyon, tradisyon, at kultura. Pagkakatandaan tayo ay iisa, ginawa ng Maykapal na pantay-pantay walang nakakalamang walang mas nakakababa.Matutong gumalang hindi lamang sa mga nakakatanda kundi sa buong taong iyong nakakasalamuha. Galangin ang bawat opinyon dahil ang bawat tao sa mundo ay may karapatang ibigay ang kanikanilang pananaw sa buhay. Sa pagmamahal, nararapat na mahalin muna natin ang ating mga sarili sa gano'y maipapadama rin natin sa iba ang pagmamahal na nagagawad din natin sa ating mga sarili. 

   Tayong lahat ay may kakayahan humusga, magwala, at manggulo ngunit sana’y isaisip muna natin ang bawat kilos na ating ginagawa. Hindi lamang para sa kapakanan ng ating mga sarili kundi sa kapakanan din ng iba. Sa pagiging sakim ng isang tao nagsisimula ang kaguluhan at awayan ngunit may panahon pa upang magbago. Mahalin ang sarili at huwag maging sakim tiyak kapayapaan para sa lahat ang makamamit.

Kapayapaan sa Mindanao, isulong!



  Tama na! Itigil na ang kaguluhan", isang pagmamakaawa ng mga mamamayan sa gitna ng kaguluhan. Nakakaawang pakinggan mga bulong na naghihiyawan sa kalungkutan.Kalunoslunos na paghihirap ang nadadanasan, kasawiaan ng mga mahal sa buhay ang pinagluluksaan.Kaawa-awang mga kamamayan, ngunit hanggang sa salita na lang ba tayo?

  Putukan dito, putukan doon. Asan na ang katahimikan? Mga rebelde't militar na nagbabakbakan ngunit para sa anong layunin? Layunin sa pagkamit ng kaniya-kaniyang kapayapaan? Hindi nga ba't ito'y kahangasan at katangahan? Kawawang mga anak ng Mindanao, naiipit sa matinding karahasan.

  Kung itago na lang kaya ang lahat ng mga mararahas na armas o di kaya ibaon na lang sa lupa? Pagkatapos palitan na lang ito ng mga libro. Hindi ba't mas madali itong gawin? Kung ang lahat ng anak ng Mindanao ay may pagkakataon magkaroon ng pormal na edukasyon hindi na nila kailangan pang mag ibang diwa. Makakamit na natin ang kapayapaang inaasam-asam ng lahat.

 Sana'y mapakinggan mga mumunting boses na umaalingawngaw sa kahilingingan. Sana'y ang pamahalaan ay may maka Andres Bonifacio pang pananaw, "Bayan muna, bago ang sarili" . Huwag sana'y mag taingang kawali sa mga karaingan ng kanilang mga mamamayan. Edukasyon para sa Mindanao ang solusyon, palitan ang lahat ng armas sa libro, sigurado't bayan ay magiging mapayapa.

 
    Pagkakaisa, pagkakabuklod-buklod..pagtulong sa bayan ating itaguyod.